Menu

Pilipino Tayo

Mabuhay!

Bulanglang

Bulanglang ( Halu-halong gulay na ginisa )  

Magmula sa apat na sulok ng Pilipinas hanggang sa mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ang bulanglang ay isa sa mga tanyag na lutong Pilipino na maari nating ipagmalaki sa buong mundo.  Hindi lamang sa taglay na sarap nito kundi pati na rin sa dami ng nutrisyong dulot nito. 

Ang bulanglang ay isang klasikong ulam Pilipino na laging magkaroon ng isang espesyal na lugar sa aking kusina at hapag kainan.

Maari nating ihanda ito kahit ano mang okasyon magmula sa simpleng tanghalian o hapunan hanggang sa mga espesyal na pagtitipon.

Sa pagluluto nito kailangan natin ang mga sariwang gulay na magbibigay ng masarap na panlasa sa ating putahe gaya ng sitaw, kalabasa, okra, ampalaya at talong.  Ang kumbinasyon ng  ginisang karne at hipon ay  nagbibigay ng masarap at naiibang lasa sa ating gulay. Ito ay hindi basta ginisang gulay lamang pero taylay rin nito ang malinamnam na lasa ng karne at hipon na ginisa muna sa sibuyas, bawang at kamatis bago unti-unting ilahok ang mga gulay at timplahan ng konting patis o kaya konting asin.

Siguraduhin nating mga sariwa ang ating mga sangkap lalo na ang mga gulay.

Mga 30  hanggnag  45 minuto ang kailangan sa pagluluto para masiguro natin na maganda ang pagkakaluto ng mga gulay, hindi matigas at hindi naman napakalambot. Kanin ang masarap na kumbinasyon ng bulanglang at samahan ng kamatis at sibuyas na ensalada. Magkamay man o gumamit ng kubyertos, ang sarap nito ay hindi mapapantayan ng mga dekalidad na pagkain.      

Lumpiang Sariwa

Ang lumpiang sariwa walang kasingsarap