Malaya ang Bayang Pilipinas
Malaya ang bayang may sariling simulain at adhikain
Malaya ang bayang may pagkakaisa at pagtutulungan
Malaya ang bayang may iisang puso at diwa
Malaya ang bayang may namumunong dakila
Malaya ang bayang may tagumpay na inaasahan
Higit sa lahat Malaya ang bayang may sigaw ng bayan
Mabuhay ang Pilipinas!
Bayani ng Bayan
Sa tuwina masarap buhayin ang kasaysayan ng Pilipinas na nagbibigay inspirasyon sa ating mga Pilipino na ipakita ang dangal ng ating lahi at ganda ng ating kultura.
Bawat dakilang pinuno ay simbolo ng ating kalayaan at kasaganaan. Ang lupang katutubo ay walang kupas at walang kasing tatag dahil dito tayo nagmula. Mga katutubong lahing Pilipino at kultura ang ngabigay ningning sa ating pagkatao, kung wala sila wala tayo ngayon, Walang Bansang Pilipinas at lahing Pilipino ang ating daigdig.
Si Jose Rizal, ang ating magiting na bayani
Nakaukit sa kanyang mga sulat ang kanyang kabayanihan.
Mga tulang walang kamatayan na nagbigay kulay na makamtan natin ang ating kalayaan. Iminulat sa ating mga isipan ang kahalagahan ng mga kabataan. Ang pakikibaka sa kalayaan ay nasa kamay ng ating mga kabataang Pilipino. Ang alaala ni Rizal ay walang kupas na alay sa bawat Pilipino na may pagmamahal sa bayang Pilipinas.
Kasaysayan ng Lahi
Gunitain, Ating Kasarinlan
Parang kahapon lamang
Kasarinlan ng ating bayan ay ating nakamtam
Sa kamay ng mga magigiting na Pilipino
Sinilang ang bagong bayang Pilipinas sa ating puso
Madugo at makulay ang landas na tinahak
Sa mga dayuhang manlulupig, tayo ay sinakop ng mapait na panahon
Lakas ng loob, pambihirang talino at hanggang kamatayang tapang ang ating puhunan
Luha, pawis at dugo ang gumising sa diwa ng bawat Pilipino
Nagbabagang galit sa mga talipandas na kaaway
Isinigaw ang araw ng kalayaan, bandila ay iniwagayway
Lupang hinirang kahit kailanman hindi natin ipagpapalit na maging alipin
Ang ating kasarinlan ay ating tanging yaman
Hindi mabibili ng anumang kayamanan
Sa muling pagsikat ng araw, lumingon tayo at pasalamatan ang ating kalayaan
Inang Bayang Pilipinas ay nababalot ng ngiti at kaligayahan
Bandilang Pilipino ay habang buhay na nakaukit sa ating puso.
BB
Ang Magiting na Pilipino
Ikaw ang magiting na Pilipino
Sa isip, sa salita, sa diwa at sa gawa
May pagmamahal sa ating inang bayan
Taglay mo ang dugong makabayan
Sa iyong ugat nanalaytay ang talino ni Gat Jose Rizal
Ang katapangan ni Andres Bonifacio
Ang kagandahan ni Maria Clara
Tunay na may pagpapahalaga sa sarili
Bukas ang puso sa kabutihang asal
Maligaya sa kabila ng mga pagsubok
At mga pighati sa buhay
Pagkat may tiwala sa maykapal
Ikaw ang simbolo ng makabagong Pilipino
Maliksi, masinop, matiyaga at matatag
Walang takot na haharapin ang mga salot
Hindi tayo pasisiil sa mga kaaway ng bayan
At mananakop ng ating kalayaan
Hindi tayo padadaig sa mga banyagang karunungan,
Lalong hindi tayo magpapailalim sa maruming
pamahalan at mapagsamantalang mga pinuno.
Nabihag mo ang mundo mula sa makulay nating
kasaysayan hanggang ngayong pagsikat ng araw
Naway maging magiting ka na ipagbunyi ang ngalan ng
ating bayan.
BB